Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Leifbilly Begas - Bandera March 23, 2016 - 02:53 PM
Niyanig na magnitude 4.3 lindol ang Davao Oriental kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol ala-1:29 ng umaga.
Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate may 120 kilometro sa silangan ng Generoso. May lalim itong 123 kilometro.
Nagresulta ito sa Intensity I paggalaw sa General Santos City at Sarangani, Davao Occidental.
Walang inaasahang aftershock at pinsala ang Phivolcs sa pagyanig na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending