Cavite Rep. Mercado-Revilla inendorso si Poe | Bandera

Cavite Rep. Mercado-Revilla inendorso si Poe

Leifbilly Begas - March 17, 2016 - 01:45 PM

lani mercado
Hindi kay Binay ang Cavite.
Ito ay matapos na iendorso kahapon ni Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla ang presidential candidate na si Sen. Grace Poe sa kabila ng pag-endorso ni Cavite Gov. Jonvic Remulla kay Vice President Jejomar Binay.
Sinabi ni Revilla, misis ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na hayagan nilang iniendorso si Poe, na anak ng kanilang ninong na si Fernando Poe Jr.
“Ito ay pagpapatunay sa mga naiwanan naming pagmamahal at pangako sa aming ninong na si FPJ. Naniniwala rin kami sa plataporma ni Grace Poe, sa kanyang kalinisan hangarin maging pangulo ng bansa,” ani Revilla.
Ayon kay Revilla nakipag-usap siya kay Remulla kaugnay ng kanilang pagsuporta kay Poe at iginagalang umano nito ang kanilang desisyon.
Iginiit naman ng kanyang anak na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla na wala silang hinihinging kapalit sa pagsuporta nila kay Poe.
“As we always say to any candidate who goes here to our province, we are not asking anything from them in return. We’re just asking huwag nila pakialaman ang kaso ng tatay ko. Kumbaga hayaan nila. Let justice take its course,” saad ng nakababatang Revilla.
Napuno ang Stike Gymnasium sa Bacoor kahapon kung saan mayor ang kapatid ni Sen. Revilla na si Strike Revilla.
Sinabi naman ni Poe na hindi siya makiki-alam sa kaso ni Sen. Revilla na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel fund scam.
“Ito talaga ‘yung malinaw: walang hinihiling na kapalit ukol diyan, kung hindi lamang na sana maging patas ang pagdinig. Lahat naman ‘yan ang gusto natin e. Mabilis na paglilitis at patas na pagdinig,” ani Poe.
Iginiit ni Poe na kung mananalong pangulo, ‘hindi ako makikialam sa mga kaso. Iyon ang puwede kong gawin. Kasi mahirap rin naman kung ang pangulo ay nagdidiin laban sa mga katunggali, hindi rin naman ‘yon makatarungan’.
Si Sen. Revilla at FPJ ay parehong gumanap sa papel na Panday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending