Winning streak itataya ng Meralco Bolts kontra San Miguel Beermen | Bandera

Winning streak itataya ng Meralco Bolts kontra San Miguel Beermen

Melvin Sarangay - March 05, 2016 - 01:00 AM

Laro Ngayon
(Legazpi City)
5 p.m. San Miguel Beer vs Meralco

MAPALAWIG ang winning streak sa anim na laro at itala ang pinakamagandang panimula ng prangkisa ang hangad ng Meralco Bolts sa pagsagupa sa San Miguel Beermen sa kanilang 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup out-of-town elimination round game ngayong alas-5 ng hapon sa Legazpi City, Albay.

Tinapatan ng Meralco ang pinakamagandang panimula ng koponan na itinala nila noong nakaraang season sa pag-uwi ng mga panalo laban sa Star Hotshots (90-86), Tropang TNT Tropang Texters (88-84), Rain or Shine Elasto Painters (98-95), Phoenix Petroleum Fuel Masters (90-87) at  Globalport Batang Pier (96-88).

Sasandalan ni Meralco coach Norman Black ang import nitong si Arinze Onuaku, na may team leading averages na 20 puntos, 17.60 rebounds, 2.60 assists at 1.60 blocks, para masungkit ng Bolts ang kanilang ikaanim na diretsong panalo.

Makakatuwang ni Onuaku sina Chris Newsome, Jared Dillinger, Cliff Hodge, Baser Amer, Gary David at Jimmy Alapag.

Matapos makatikim ng 102-96 pagkatalo sa Mahindra Enforcers sa kanilang laro sa Biñan, Laguna dalawang Sabado na ang nakalipas, rumatsada ang San Miguel Beer ng dalawang sunod na panalo kontra Globalport (120-109) at Blackwater Elite (108-96).

Sasandigan ni San Miguel Beer head coach Leo Austria ang import nitong si Tyler Wilkerson para ihatid ang koponan sa ikatlong sunod na panalo.

Makakatulong naman ni Wilkerson sina Marcio Lassiter, June Mar Fajardo, Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross, Ronald Tubid at Gabby Espinas.

Samantala, winakasan ang Rain or Shine ang tatlong sunod na pagkatalo matapos durugin ang NLEX Raod Warriors, 121-94, sa kanilang laro kahapon sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Pinangunahan ni Antoine Wright ang pitong Elasto Painters na umiskor ng double figures sa itinalang 20 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending