Hi-5 Philippines ng TV5 wagi sa Anak TV Awards
Kinilala ang edu-tainment (education- entertainment) show na Hi-5 Philippines bilang isa sa pinakamahusay na programang pambata sa katatapos na taunang Anak TV Seal Awards.
Ang parangal ay iginawad sa Hi-5 Philippines dahil sa pagtataguyod nito ng kagandahang asal ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsayaw at pagkanta na talaga namang kinagigiliwan ng kabataan.
Ito’y mapapanuod araw-araw, Lunes hanggang Biyernes 8:30 a.m., tuwing Sabado at 9:30 a.m. at Linggo, 9 a.m.. Ang iba pang programa ng TV5 na kinilala ay ang health magazine program Healing Galing (Linggo, 7:30 a.m.), ang parenting talk-show Happy Wife, Happy Life, ang Catholic program na Power to Unite (tuwing Linggo 7 a.m.), at ang children-fantasy show LolaBasyang.com na kamakailan ay kinilala din bilang finalist sa prestihisyosong Prix Jeunesse awards sa Germany.
Higit kumulang 250 na programa ang lumahok sa kasalukuyang taon ngunit 101 na palabas lamang ang nagawaran ng Anak TV seal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.