Aktor ipatatanggal sa TV network matapos makipag-date sa sikat na female star | Bandera

Aktor ipatatanggal sa TV network matapos makipag-date sa sikat na female star

Cristy Fermin - February 27, 2016 - 08:53 PM

AWANG-AWA ang kanyang mga kaibigan sa isang aktor na wala namang masamang intensiyon pero hanggang ngayo’y binubulabog ng mga taong wala namang alam tungkol sa kuwento ng pagkikita nila sa isang lugar ng isang popular na bagitong aktres.

Ipinagpipilitan ng mga tagahanga ng babae at ng katambal nito na “ahas” ang aktor, walang respeto, dahil alam niya namang may permanente nang katambal ang babae ay kung bakit pa siya umeksena.

Inilabas na ng isang grupo ang totoo, pero ayaw pa rin tigilan ng mga tagasuporta ng loveteam ang aktor, masamang-masama ang loob ng kanyang pamilya.

Kuwento ng isang source, “Kung meron silang pag-uusap na tumakas para mag-date, bakit di na lang sila sa malayong lugar nagkita, bakit hindi sila nagsabay na bumiyahe mula Manila papunta du’n?

“At kung pagtakas nga ang ginawa nila, bakit sa mataong lugar pa sila nagpunta? Di ba, ang tumatakas, e, nagtatago? Bakit pa sila nagpakita habang magkasama sila? Ganu’n ba ang tumatakas, ganu’n ba ang nagtatago?

“Nakakaawa naman si ____ (pangalan ng aktor), mula nu’n, e, nawalan na siya ng katahimikan, binulabog na siya ng mga taong insecure siguro, dahil sila pa nu’ng girl ang nagkasama sa malayong lugar, di ba naman?” naiinis na kuwento ng aming source.

May mga nagbabanta pa kuno sa aktor na ipatatanggal siya sa network na pinagseserbisyuhan niya ngayon. Napakatindi ng mga banta sa kanya, kesyo aabangan siya ng mga nagagalit sa kanya, kailangang magdobleng ingat daw siya.

Sabi uli ng aming impormante, “Sa mga ginagawa nilang ganyan, e, maaapektuhan ang mga taong ipinaglalaban nila. Instead na manahimik na lang sila, sige pa rin sila sa panggugulo sa kinaiinisan nilang male personality.

“Ang ending n’yan, e, makukuha ng guy ang simpatya ng babae. Maghintay na lang tayo, at siguradong may puputok na kuwento isang araw tungkol sa kanila,” pagtatapos ng aming source na nasa tenth floor ang kilay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending