Pokwang sa titulong Kapamilya Comedy Queen: Naku ayoko, pressure yan!
AYAW tanggapin ni Pokwang ang titulong bagong Comedy Queen ng ABS-CBN dahil naniniwala siya na si Ai Ai delas Alas pa rin ang kinikilalang Reyna Ng Komedya sa TV at pelikula.
Hindi naman daw sa hindi niya feel ang nasabing korona pero ayaw niya lang talagang magkaroon ng intriga sa pagitan nila ni Ai Ai. Ingat na ingat nga si Pokey sa pagsagot sa press dahil baka pagmulan na naman ito ng isyu.
Sa presscon ng bagong serye ng ABS-CBN na We Will Survive na magsisimula na sa Lunes, may mga reporter na nagsabi na siya na nga ang bagong Reyna ng Komedya ng Kapamilya network dahil nasa GMA na ngayon si Ai Ai.
“Alam ninyo, kahit wala na siya dito or ano, ‘yung mga tao ang nagbigay sa kanya ng pagiging Comedy Queen. Ibigay na natin sa kanya ‘yun. Kagaya ng sinabi ko, ako, masaya ako na marami akong trabaho, hanggang doon na lang po ‘yun,” paliwanag ni Pokey.
Dagdag pa ng komedyana, “Tsaka hindi ko iniisip, ayoko, pressure ‘yan. Basta ako, thankful ako, maraming trabaho.” So, talagang bina-block na niya ang idea ng pagiging Kapamilya Comedy Queen, “Hindi ko siya bina-block.
Never na pumasok sa isip ko na someday, magiging kagaya niya ‘ko or ano. “Pero siyempre, maganda rin sa bawat tao na may pangarap ka sa buhay, may goal ka sa buhay. Pero ngayon, feeling ko, napaka-blessed ko na, okay na ako,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.