Kris hindi mapipigilan ang bibig sa pagdakdak tungkol kay James | Bandera

Kris hindi mapipigilan ang bibig sa pagdakdak tungkol kay James

Cristy Fermin - February 27, 2016 - 10:30 PM

kris aquino

Kay Kris Aquino dapat ikinakabit ang salitang tamang panahon. Magaling kasing tumayming ang aktres-TV host. Alam niya kung kailan siya hihirit, kung ano ang kanyang ihihirit, at kung sino ang kanyang ihihirit.

Du’n magaling si Kris. Alam niya kung kailan siya magsasalita, kung anu-ano ang sasabihin niya, hindi siya magbibitiw ng mga rebelasyon kapag may personalidad pang pinagpipistahan. Pahuhupain muna niya ‘yun, ike-clear niya muna ang kapaligiran, kapag solong-solo na niya ang pagkakataon ay tsaka siya hihirit ng bonggang-bongga!

Maraming nakakapansin na tahimik lang daw si Kris tungkol sa pagdadalantao ngayon ni Michela Cazzola, karelasyon ng basketbolistang si James Yap, ang kanyang ex at ama ni Bimby.

Mas maraming naniniwala na humahanap lang ng magandang timing si Kris, hindi niya kayang manahimik tungkol du’n, positibo o hindi kagandahan ay siguradong magbibitiw siya ng komento isang araw tungkol sa pagdadalantao ng Italyanang girlfriend ni James Yap.

Naghahanap lang ng dahilan ang TV host, hindi pa man ay si Bimby na ang hinuhulaan ng marami na isasangkalan ni Kris sa kanyang magiging tirada, peksman, Superman, Batman.

Si Kris pa? Mananahimik ang mga naggigiyerang bansa sa Middle East, pero hindi ang kanyang bibig, lalo na’t masayang-masaya ngayon si James Yap dahil sa nalalapit na nitong pagkakaroon uli ng anak.
Pustahan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending