Anak ni Gabby umaming 'Nagkagusto' agad kay Aljur sa unang pagkikita | Bandera

Anak ni Gabby umaming ‘Nagkagusto’ agad kay Aljur sa unang pagkikita

Julie Bonifacio - February 28, 2016 - 02:00 AM

garie concepcion

Nagka-crush bigla si Garie Concepcion kay Aljur Abrenica nu’ng makita niya ng personal ang Kapuso star. Hindi niya akalain na mas gwapo sa personal si Aljur. Face pa lang ni Aljur nabighani na agad ang second daughter ng aktor na si Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.

Hindi lang namin knows kung aware ni Garie na singer din si Aljur. Baka kapag narinig na niyang kumanta si Aljur, e, lalo siyang humanga sa Kapuso star. What more, if they’re given a chance na makapag-duet on stage, baka bilang main-love ang panganay ni Grace.

Wala namang masama dahil pareho namang single sina Garie at Aljur. Wala rin namang problema sa mommy ni Garie at first nominee ng MELCHORA partylist kung magka-boyfriend na si Garie. Nasa right age naman na si Garie.

Basta ang rule lang naman ni Grace, umakyat ng bahay nila ang gustong manligaw sa kanyang anak.
Bukod kay Aljur, isa pang Moreno at sexy din na showbiz personality ang crush ni Garie. Walang iba kundi si Derek Ramsay, “Hindi po kasi ako mahilig sa mestizo, e,” sambit ni Garie.

Anyway, naitsika naman ng mommy ni Garie ang tungkol sa kalagayan ngayon ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo. Dumadalaw pa rin hanggang ngayon si Grace kay PGMA sa Veteran’s Hospital kung saan nakakulong ang dating Presidente ng bansa.

“She is a very strong woman but she’s frail. She’s very frail. Kapag nakita ninyo siya ang payat,” malungkot niyang sabi. Pamilya ang turing ni Grace kay GMA at gayundin ang dating Pangulo sa kanya. At wala raw kinalaman si GMA sa kanilang partylist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending