MAGANDANG araw. Ang pangalan ko po ay Jose Sison. Gusto ko lang itanong sa SSS kung bakit hindi maapprove ang loan ko gayong qualified naman na ako. First time ko pa lamang magloan. Ang sabi ng HR namin, sabi raw sa SSS, temporary number pa lang daw ang ibinigay sa akin kasi raw hindi NSO issued ang birth certificate ko.
Bakit naman ganon ang SSS? Sana ikinonsider na nila ang loan ko or dapat maaga pa lang sinabihan na ako na i-update ang birth certificate na sinubmit ko sa kanila. Maari bang maiparating sa SSS na bigyan nila ng tamang impormasyon ang mga members ng SSS? Salamat po.
REPLY: Para sa iyong katanungan Mr . Sison, ang pag-update ng record ay isinasagawa ng SSS
upang sa pag-claim ng benefit at pribilehiyo ay mapabilis at maibigay agad.
Dati ay pinapayagan pa natin ang temporary SSS number na walang hinihingi para magamit agad at upang makapagtrabaho agad.
Sa ngayon ay hindi na natin pinapayagan na magbigay ng SSS no. na walang dokumento. Kung wala syang record ng birth certificate sa NSO, maaari syang kumuha ng non-availability at isubmit ang baptismal certficate at mga ID.
Ms Lilibeth Suralvo
Senior Officer ,Media
Affairs Department
Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.