Grace Poe binuhay ang mga alaala ni FPJ sa Bontoc Province
Dinalaw ni Sen. Grace Poe ang bayan ng Bontoc sa Mountain Province kamakailan. Espesyal ang Bontoc kay Grace dahil ginawan ito ng pelikula ng amang si Da King Fernando Poe, Jr. noong 1977 kaya kahit daw maliit lang ang populasyon sa naturang bayan na siyang kabisera ng Mountain Province, pinili pa rin itong bisitahin ni Grace.
“Importante din na makabalik ako roon. Yung tatay ko, may ginawang pelikulang ‘Bontoc,’’’ sey ni Grace sa isang panayam. “Sabi ng iba, bakit ka pupunta sa mga lugar, halimbawa, na kakaunti lang ang tao? Sabi ko, sa Gobyernong may Puso, di ba wala naman tayong dapat iniiwanan?,” tanong ng senadora.
Pangako ni Grace, tutulungan niya ang mga taga-Bontoc na magkaroon ng mas maraming food terminal upang hindi mahirapan magbenta at magproseso ng kanilang produktong gulay ang mga residente.
Ang pelikulang “Bontoc” na bahagyang kinunan sa Lutheran Seminary sa Baguio ay pinagbidahan ni FPJ kasama sina Elizabeth Oropesa, Jeanne Young, Eddie Gutierrez, Paquito Diaz, Dencio Padilla, Jose Romulo at Imelda Ilanan.
Si FPJ ang gumanap na “Lumawen” na siyang lumaban para sa mga karapatan ng isang cultural minority.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.