Ayaw pang ibigay ang pagkababae
Sulat mula kay Jasmin ng Obrero, Butuan City
Dear Sir Greenfield,
Nitong nakaraang February 14 ay one year na ang relasyon namin ng boyfriend ko. At nitong last date namin ay pinipilit niya akong ibigay na sa kanya ang pagkababae ko. Hindi ako pumayag kaya nagkatampuhan kami. Ang iginigiit niya sa akin ay kung talagang mahal ko raw siya ay dapat daw ipagkaloob ko na ang pagkababae ko sa kanya. At mula nang magkatampuhan kami ay hindi na siya nagte-text at tumatawag sa akin. Itatanong ko lang kung magkakabalikan pa ba kami. At kung sakaling magkabalikan kami, dapat ko na bang ibigay na sa kanya ang aking pagkababae? Ang boyfriend ko na bang ito ang makakatuluyan ko at makakasama habang buhay? October 13, 1992 ang birthday ko at February 1, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Jasmin
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sino ang unang magiging boyfriend mo nang seryoso at pangmatagalan, siya ang lalaking makakatuluyan mo.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Ace of Clubs at Nine f Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nakapag-asawa ka, tiyak ang magagaganap, mas maraming magagandang kapalaran ang mapapasa iyo. Ang nasabi ring pag-aasawa ay magiging pang-habang buhay na at magiging maligaya, lalo na kung ang nasabing pag-aasawa ay gagawin sa tamang panahon.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.