Negosyanteng babae patay matapos pasukin ang kanyang bahay sa Cebu | Bandera

Negosyanteng babae patay matapos pasukin ang kanyang bahay sa Cebu

- February 25, 2016 - 02:36 PM

cebu
PATAY ang 40-taong-gulang na babaeng negosyante, samantalang sugatan naman ang kanyang babaeng kapareha matapos pasukin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki ang kanilang bahay sa Sitio Laguna sa Barangay Sambag 1, Cebu City kamakalawa ng gabi.
Namatay si Trevelisa Navales matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan, ayon sa pulisya.

Nagtamo naman ang kinakasama ni Navales na si Riza Pepito, 18, ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan at kasalukuyang ginagamot sa Cebu City Medical Center (CCMC) sa Natalio Bacalso ave.

Sinabi ni SPO2 Ruth Violango, Cebu City Police Office homicide investigator na dalawang lalaki ang pumasok sa bahay ni Navales ganap na alas-9 ng gabi noong Huwebes at hinahanap ag kanyang anak na lalaki na kanilang inakusahan ng pandurukot.

Pinagbabaril ng mga suspek ang dalawang biktima nang sinabi ni Navales na hindi niya alam kung nasaan ang kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending