Kampo ni Pacman iniligtas si Krista sa kahihiyan
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin kahapon tungkol sa kontrobersyal na bahay kung saan naka-park sa tapat nito ang isang campaign car ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao. Ito’y ipinost ng isang netizen na nakatira rin mismo sa subdibisyon.
Base sa panayam ni Nerissa Almo ng Pep.ph, ayon sa business manager ni Manny na si Arnold Vegafria hindi pag-aari ng Peoples Champ ang bahay. Sabi ni Arnold ay pag-aari raw ni Jake Joson, Chief of Staff ni Manny ang bahay kung saan nakaparada ang campaign car na may nakasulat at litrato ni Manny na kumakandidato bilang Senador.
“That is not the house of Krista Ranillo! That is the house of Jake. Ask the guards. The blue Ford car is also owned by Jake,” sabi pa ni Vegafria. Binalutan daw ng stickers ang nasabing SUV tatlong linggo na ang nakararaan.
Nabanggit kasi ng netizen na si Lorrainne Marie Badoy na pag-aari raw ng “mistress” ni Manny ang nasabing bahay na matatagpuan sa Loyola Grand Villas, Quezon City. Medyo malisyoso ang kalakip na mensaheng inilagay niya sa kanyang Facebook account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.