Bakbakang pula at dilaw | Bandera

Bakbakang pula at dilaw

Leifbilly Begas - February 24, 2016 - 03:00 AM

BUKAS ay ipagdiriwang ng bansa ang EDSA People Power Revolution 1. Ito na ang ika-30 taong anibersaryo ng makasaysayang tagpong ito sa bansa

At muling mauulit ang mga kuwento ng kasaysayan ng bansa tungkol sa mga nangyari noong rehimeng Marcos. Ang mga kuwento ng human rights violation at mga crony na nakinabang sa pamahalaan.
Muling mamumutawi at paulit-ulit na masasambit ang salitang Martial Law o Batas Militar na ipinatupad ng panahon ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

Nakalulungkot man, makalipas ang 30 taon, mayroon pa ring mga sumisigaw ng kataru-ngan.
At dahil malapit na ang eleksyon, hindi maitatanggi na makakaladkad ang pangalan ng anak ng dating pangulo na si Sen. Bongbong Marcos sa pagdiriwang ng Edsa 1. Ang senador kasi ay tumatakbo sa pagkapangalawang pangulo.

Bukod pa ito sa tangkang pagbuhay sa
ibinigay umano ni Marcos na pork barrel fund sa isang bogus na non government organization. Noong 2014 pa ito lu-mabas pero mukhang gustong ulitin.

Kamakailan ay nagsalita ang kalaban ni Marcos na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, ang running mate ni Mar Roxas ng Team Daang Matuwid.

Ang sabi ni Robredo ay nababahala siya dahil ayaw mag-sorry ni Sen. Marcos kaugnay ng mga pang-aabuso noong panahon ng kanyang tatay.

Sabi ni Robredo, dapat magkaroon ng pagtanggap sa mga pagkakamali ng nakaraan para hindi na maulit ang kamaliang nagawa.

Hirit pa ng kongresista, hindi raw ba tanggap ng senador ang mga maling ginawa ng kanyang tatay?
Hirit naman ng mga maka-Bongbong, bakit ang senador ang dapat na mag-sorry sa nagawang kasalanan ng kanyang ama? (kung meron man)

Parang nabuhay nanaman ang labanan sa pa-gitan ng pula at dilaw.

Si Marcos ang pula at si Robredo naman ang dilaw, ang political color ng Aquino administration.
Hindi tuloy napigilan ng isang miron ang sarili at nagtanong, si Robredo ba ang bagong Cory at si Bongbong ang bersyon ng kanyang ama?

Tingin ng marami, hindi isang mambabatas kundi isang pastor ang lumabas kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao nang sagutin nito ang isyu ng same sex marriage.

Marami ang agad na nagalit kay Pacquiao dahil sa kanyang “common sense” na komento na mas masahol pa sa hayop ang nakikipagtalik sa kapwa babae at kapwa lalaki.

Hindi umatras si Pacquiao sa laban niyang ito kahit pa nangangahulugan itong bawas boto sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador.

Wala na siyang aasahang boto mula sa Lesbian Gay Bisexual Transgender community.

Hindi pa man nagsisimula ang botohan ay lumiit na ang kanyang pagkukunan ng boto.

At eleksyon sa Mayo ang magiging tunay na laban sa pagitan ni Pacquiao at ng LGBT. Kung mananalo si Pacquiao maaaring sabihin na mahina pa ang boses ng LGBT.

Kung may mga humanga kay Pacquiao sa hindi niya pag-atras sa kanyang mga posisyon kahit kinukuyog na ang mga bakla at tomboy, meron namang nagtataka sa kanyang pagsuporta kay Vice President Jejomar Binay.

Sa dami daw ng nanliligaw kay Pacquiao na presidential bet bakit kay Binay siya sumama eh namumutake ng anomalya at kontrobersya ang pamumuno nito sa Makati.

O baka naman napasubo na siya kaya hindi na nakaalis. Kahiyaan na kumbaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gaya ng kanyang posisyon laban sa LGBT, napasubo na kaya hindi na umatras. Feeling niya mas nakakahiya ang pag-atras.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending