Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Arena)
8 a.m. UE vs Ateneo (men)
10 a.m. AdU vs UP (men)
2 p.m. FEU vs AdU (women)
4 p.m. Ateneo vs UE (women)
Team Standings: Ateneo (5-0); La Salle (4-1); NU (3-2); FEU (3-2); UP (2-3); UST (2-3); Adamson (1-4); UE (0-5)
ASAM ng 2-time defending champion Ateneo Lady Eagles na iangat ang perpektong kartada sa anim na panalo sa pagsagupa nito sa University of the East ngayon sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Arena.
Umaasa din ang Lady Eagles na ang pagsagupa nito sa ganap na alas-4 ng hapon kontra sa wala pang panalo na Lady Warriors ay mistulang panghimagas para sa hinahantay na pinakamalaking laban sa eliminasyon.
Tangka din ng Ateneo na dagdagan ang 23-game winning streak nito sapul pa noong Marso 2014.
Magkukrus ang landas ng Ateneo Lady Eagles at karibal nitong La Salle Lady Spikers ngayong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
“It’s a really big game for us (against La Salle). Pero, we have a game first against UE. Let’s see,” sabi ni Alyssa Valdez, na nasa kanyang huling taon sa paglalaro para sa Ateneo.
Pilit naman hihiwalay ng landas ang Far Eastern University sa National University na kasalo nito sa ikatlong puwesto sa pagsagupa sa Adamson University ganap na alas-2 ng hapon.
Ang Lady Warriors ay patuloy na naghahanap ng kalutasan upang matapos ang kanilang limang sunod na kabiguan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.