Mikael jackpot kay Regine, bagong loveteam
Feeling lucky and blessed ang Kapuso actor na si Mikael Daez dahil siya ang napili ng GMA na makasama ni Regine Velasquez sa bagong dramedy series nitong Poor Señorita na malapit nang mapanood sa Kapuso network.
Ayon kay Mikael, something new and refreshing ang aabangan ng mga manonood sa upcoming primetime series na Poor Señorita. It’s an honor daw para sa Kapuso leading man na makatrabaho at makapareha ang Asia’s Songbird.
Huling napanood si Mikael sa primetime series na My Faithful Husband at compared sa mga previous roles na nagawa niya, ay sa Poor Señorita, hindi na siya drama, may pagka-comedy ito.
“Medyo kwela naman si Bernie sa Ismol Family but this time I’m doing it for a teleserye. Weekly lang kasi yung sa Ismol. I’m excited to see kung paano yung magiging treatment. I’m excited to work with the whole cast.
It’s something new and it’s something to look forward to,” anang aktor. Siyempre, excited na rin ang Soul Diva na si Jaya dahil muli silang magkakatrabaho ng kanyang BFF na si Regine.
Tiyak daw na riot ang magiging kuwento ng Poor Señorita kaya walang gagawin ang mga manonood kundi ang tumawa, ma-inspire at ma-in love. Ito naman ang pagbabalik-serye ni Regine matapos ang ilang taong pamamahinga sa akting.
Makakasama rin dito sina Snooky Serna, Jaya, Jillian Ward, Ervic Vijandre, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla, Stastruck 1st Prince and 1st Princess Elyson de Dios and Ayra Mariano respectively, at Kim Rodriguez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.