Gabby mas naging mabenta sa mga bagets
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Gabby Concepcion na mas dumami pa ang sumusubaybay ngayon sa kanya dahil sa kanyang “Boss Yummy” character sa GMA Telebabad series na Because Of You opposite Carla Abellana.
In fairness, talagang bumalik ang pagiging matinee idol ni Gabby simula nang pumatok ang serye nila ni Carla sa Kapuso network together with Rafael Rosell. Siya ang bukambibig ngayon ng mga girls pati na rin ng mga matrona dahil kilig na kilig nga ang mga ito sa mga eksena nila ni Carla sa Because Of You.
“Kaya nga sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng tumututok sa BOY (Because Of You), masaya lang kami lagi sa set kaya masarap magtrabaho. Tsaka nakaka-inspire kapag nakakarinig at nakakabasa ako ng magagandang reviews sa aming palabas,” ani Gabby.
Hindi pa sigurado ng aktor kung ang susunod niyang proyekto ay sa GMA pa rin o sa ABS-CBN uli, pero aniya, meron na siyang natatanggap na mga bagong offer. “Ako naman kahit na ano, hindi naman ako choosy ngayon,” sey pa ng Kapuso actor.
Sa pagpapatuloy naman ng kuwento ng Because Of You ngayong gabi: Tuloy ang dance lessons nina Andrea and Oliver, tango ang ituturo sa kanila, this is a love affair on the dance floor daw sabi ng instructor. Excited na si Oliver mag-tango with Andrea.
Biglang dumating si Jaime, join din daw siya sa tango lesson. Kaso wala siyang partner kaya sabi ng instructress hindi raw siya puwede. Pero dumating si Veronica, siya raw ang partner ni Jaime. Tinginan ang apat.
Para lang makasali sa tango lessons, napilitan si Jaime makipag-partner kay Veronica. Pero selos si Jaime habang nakatingin kina Andrea and Oliver. Nag-pretend namang sweet sina Andrea and Oliver. Nag-change partners, kinuha agad ni Jaime si Andrea.
Walang nagawa ang dalaga kundi makipagsayaw kay Jaime. Pero she turned down Jaime nang muli nitong ungkatin ang relasyon nila. Binawi ni Oliver si Andrea, sina Jaime and Veronica uli ang mag-partners.
Lumabas sina Nate/Onat and Cheska, kumain sa isang resto. Napakaraming inorder na crispy pata ni Nate, para raw sa kanyang mga dogs. Impressed naman si Cheska dahil ganoon pala magmahal ng dogs si Nate. Kunwari nawala ang wallet ni Nate kaya si Cheska ang nagbayad.
Sa isang car maintenance shop pala nagtatrabaho si Nate/Onat kaya nakakagamit siya ng iba-ibang kotse. Masaya naman ang mga kasamahan sa work na tulungan sa kalokohan si Onat dahil lagi sila nitong dinadalhan ng masarap na pagkain.
Pero laging may tinitira si Onat/Nate para maiuwi sa bahay. Magkikita-kita sina Andrea, Jaime at Oliver sa hotel!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.