Engagement ring ni Rufa Mae tadtad ng diamonds | Bandera

Engagement ring ni Rufa Mae tadtad ng diamonds

Ervin Santiago - February 21, 2016 - 02:00 AM

rufa mae quinto

PARA patunayan na totoong engaged na nga siya sa kanyang fiancé na si Trevor Magallanes, ipinost ni Rufa Mae Quinto ang kanyang nakakasilaw na engagement ring.

Mukhang napikon nga ang Kapuso comedienne sa mga bashers na nagsasabing isang malaking ilusyon lang ang pagpapakasal niya dahil nga hindi naman nito ipinapakita ang kanyang engagement ring.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat ang seksing komedyana sa kanyang boyfriend sa napakamahal na singsing na ibinigay nito sa kanya. Tadtad ng diyamante ang engagement ring na ipinagmalaki ni Rufa Mae.

Sa litratong naka-post sa IG, meron itong caption na: “More diamonds from yah babe @trevvvsilog thanks!!! #diamond #d #ring #dia #love #rufamaetrvorthisisit.” Kamakailan, in-announce ni Rufa Mae na nag-propose na si Trevor sa kanya.

Present sa kanilang engagement party ang pamilya nila ni Trevor at ilang malalapit na kaibigan.
Sa ngayon, busy na ang Kapuso actress sa preparasyon ng kanilang wedding.

Nakikipag-meeting na sila ng kanyang fiancé sa mga suppliers para sa nalalapit nilang kasal.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending