Osang may dyowang tomboy: Maligaya ako sa kanya at magpapakasal na kami! Bandera

Osang may dyowang tomboy: Maligaya ako sa kanya at magpapakasal na kami!

Ervin Santiago |February 18,2016
share this

Osang may dyowang tomboy: Maligaya ako sa kanya at magpapakasal na kami!

Ervin Santiago February 18, 2016 - 04:50 PM
ROSANNA ROCES

ROSANNA ROCES

TIBO ang karelasyon ngayon ng dating sexy star na si Rosanna Roces. Nagsawa na raw kasi siya sa mga lalaki kaya sinubukan niyang maging lover ng isang lesbian.

Ayon kay Osang, plano rin daw niyang magpakasal sa karelasyon niyang tomboy kapag dumating na ang tamang panahon.

Sa live interview ng Tonight With Boy Abunda kay Osang nitong Miyerkules sinabi nitong mas maligaya siya ngayon sa kanyang lovelife, “Kakaiba, pero I found my match. Siguro naman naikukuwento ko naman lahat sa ‘yo (Boy Abunda).

“Alam mo rin kung paano ako magpalit ng lalaki noon, parang nagpapalit lang ng damit. Parang lahat is an experiment. Pero yun nga, tapos na, wala akong natututunan, di ba?

“Wala, parang may something is missing. So, yun, nakita ko na yung something missing,” paliwanag ng magaling na aktres.

Pagpapatuloy pa ni Osang, “When I was 15, meron akong ka-on. Babae siya, di ba? Kasama ko siya sa bahay with my father, my mother.

“Si Grace, yung anak kong panganay, ang totoo niyan, ginawa ko si Grace para maging anak namin (ng karelasyon niyang tibo). So, nagsama kami., yung tiyan ko nu’ng five months, akala niya mahal ko yung tatay ni Grace, which is not.

“Kasi ginamit lang talaga siya para magkaroon ng baby na palalakihin namin. So, naghiwalay kami. And after nu’n, wala na akong seryosong relasyon o kahit du’n sa naging esposo ko. Parang may kulang, e.

Alam kong hindi ito,” kuwento pa ni Osang.

And after 27 years daw ay muli silang nagkita nu’ng tomboy and the rest is history na nga. Hirit pa ni Osang, “Saka pakakasal kami.”

Nang tanungin kung masaya ba siya ngayon? “I am. Obvious ba? Makikita naman sa outlook. Plus lahat ng mali ko sa buhay, naitama ko, including yung pagsisigarilyo ko na di ko mawala, walang ka-effort-effort, nawala. Alam mo yun?

“Pag pala itinatama mo yung buhay mo, lahat ng mga bisyo mo na hindi mo gusto na nandiyan, kusang mawawala…siyempre with the help of the Lord din. Kaya nga sabi ko, God hates the sin, not the sinner.”

Samantala, mapapanood muli si Osang sa episode ng Ipaglaban Mo bukas ng hapon sa ABS-CBN kung saan muli siyang magpapakitang-gilas sa pagdadrama. Makakasama niya rito si Allan Paule at iba pang Kapamilya stars.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending