Pacquiao 'kuyog' sa team GP dahil sa pagkontra sa same sex marriage | Bandera

Pacquiao ‘kuyog’ sa team GP dahil sa pagkontra sa same sex marriage

Leifbilly Begas - February 16, 2016 - 02:31 PM
TINULIGSA ng mga senatorial candidates ng Partido Galing at Puso ang pahayag ng katunggali na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na mas masahol pa sa hayop ang same sex marriage. At kung si Atty. Lorna Kapunan ang tatanungin, ang pahayag ni Pacquiao ay nagpapakita lamang na dapat manatili na lamang siyang boksingero. “Magaling siya na boksingero, doon na lang siya,” ani Kapunan na kilalang abugado ng mga showbiz personalities.   “That is below the belt,” saad naman ni Bayan Muna Neri Colmenares na kasamang naglibot sa Iloilo ng presidential candidate na si Sen. Grace Poe at running mate nitong si Sen. Francis Escudero. Naniniwala naman si Sen. Tito Sotto na ‘misguided’ si Pacquiao sa isyu at hindi umano siya sumasang-ayon sa kanyang pahayag. Ayon naman sa OFW advocate na si Toots Ople dapat ay irespeto ni Pacquiao ang karapatan ng mga miyembro ng third sex. “We should accord dignity to all,” ani Ople. Pinayuhan naman ni Edu Manzano ang Lesbian, Gay Bisexual, Transgender community na huwag ng pansinIn ang pahayag ni Pacquiao. “Let go and be true,” ani Manzano.   Sa isang panayam, sinabi ni Pacquiao na ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki at ang papatol sa kapwa kasarian ay masahol pa sa hayop.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending