Boston Celtics ginulat ang Cleveland Cavaliers | Bandera

Boston Celtics ginulat ang Cleveland Cavaliers

- , February 07, 2016 - 01:00 AM

CLEVELAND — Naghulog si Avery Bradley ng corner jumper sa pagtunog ng buzzer para ibigay sa Boston Celtics ang nakakagulat na 104-103 panalo laban sa Cleveland Cavaliers sa kanilang NBA game kahapon.

Ang tira ni Bradley sa harap ng bench ng Boston ay pumasok sa pagtunog ng huling segundo ng orasan para ibigay sa Celtics ang ikawalong panalo sa siyam na laro.

Naghahabol ang Boston sa limang puntos may 18 segundo ang nalalabi bago nagbuslo si Celtics forward Jae Crowder ng 3-pointer at nakaiskor si Evan Turner ng layup kung saan na-foul pa siya ni J.R. Smith may 4 segundo na lamang sa laro. Sumablay si Turner sa kanyang free throw subalit ang bola ay na-out of bounds ni Cleveland forward LeBron James.

Agad tumawag ng timeout si Boston coach Brad Steven para magsagawa ng inbounds play at naipasok ni Bradley ang kanyang tira na nagpasimula ng matinding selebrasyon ng Celtics.

Pinamunuan ni James ang Cavs sa ginawang 30 puntos.

Nuggets 115, Bulls 110
Sa Denver, umiskor si Danilo Gallinari ng 33 puntos para tulungan ang Denver Nuggets na talunin ang Chicago Bulls na ang All-Star guard nitong si Jimmy Butler ay nagtamo ng sprained left knee.

Gumawa si Emmanuel Mudiay ng 22 puntos habang si Will Barton ay may 18 puntos para sa Nuggets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending