Kailan susuwertehin sa pag-ibig? | Bandera

Kailan susuwertehin sa pag-ibig?

Joseph Greenfield - February 03, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Donna ng San Pedro, Puerto  Princesa City, Palawan
Dear Sir Greenfield,
Naisipan kong kumunsulta sa inyo dahil gusto ko lang malaman ang aking kapalaran. Marami kasi akong gustong gawin sa buhay ko pero hindi ko naman magawa. Alam n’yo, marami rin namang magagandang opportunities sa aking buhay, ang kaso mahina ako sa decision-making. Kadalasan tuloy ay lumalagpas lang ito sa aking harapan na hindi ko naga-grab. Ang nangyayari tuloy lagi akong failure at nauuwi sa luha at pagsisisi. Hanggang ngayon mabigat pa rin ang mga dalahin ko sa buhay. Gusto ko sanang mag-abroad pero kulang pa ang perang naiipon ko para sa panggastos. Tapos may anak akong isa sa pagkadalaga. Failure din ako sa relationship, money at job. Gusto ko na rin iwanan ang kasalukuyang buhay ko pero financially unstable ako. Makakatagpo pa kaya ako ng guy na tatangapin kung sino ako at kahit ano ang nakaraan ko? Kailan kaya darating ang suwerte sa aking buhay lalong-lalo na sa pag-ibig? February 13, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Donna ng Puerto Princesa, Palawan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung gugustuhin mo ay malaki ang posibilidad na makapag-abroad ka. Lakas ng loob at sigasig lamang ang dapat. Sa ganyang paraan ay magagawa mo ang lahat ng mga balakin at gusto mo sa buhay lalo na ang pangingibang bansa.
Cartomancy:
Two of Diamonds, Ten of Hearts at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 2.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa pagpasok na pagpasok ng buwang ito ng Pebrero, tiyak ang magaganap— sa aspetong pag-ibig at pam-pinansyal, tuloy-tuloy ka nang pagpapalain ng langit at susuwertehin.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending