Panahon ng suicide | Bandera

Panahon ng suicide

Susan K - February 03, 2016 - 03:00 AM

HALOS sunod-sunod ang mga balitang natatanggap ng Bantay OCW hinggil sa tumataas na bilang ng nagpapakamatay nating mga kababayan sa Hong Kong.

May ulat na may mga tumatalon sa matataas na gusali sa HK.

Pero alam n’yo ba na hindi lamang ang ating mga OFW, kundi maging mga employer nila aynagbalak ding magpakamatay.

Ayon sa balita, isang OFW pa nga ang nagligtas sa kanyang amo sa HK nang magising siya isang madaling-araw na kulob na kulob na sila ng amoy ng charcoal o uling.

Nang katukin nito ang kuwarto ng kanyang amo, nakita niyang nakahandusay na ang babaeng employer at wala na itong malay.

Agad siyang tumawag ng pulis at ipinaalam ang sitwasyon. Mabilis naman niyang nadala sa ospital ang kanyang amo.

Nang magising ito, inamin ng HK employer na gusto nga niyang magpakamatay at iyon nga ang naisipan niyang pamamaraan upang hindi na sana siya magising pa.

Kung hindi nagising ang employer at natuluyan siya, maaaring malaking problema ang kinakaharap ngayon ng ating OFW.

Maaari kasing pagbintangan siya na siya ang may gawa noon at nagplanong patayin ang kaniyang employer.

Mabuti naman at inamin din ng naturang employer ang kanyang pagkakamali at inako nito ang responsibilidad at wala umanong kinalaman ang OFW sa kanyang tangkang pagpapatiwakal.

Ayon sa mga psychologist, kapag ganitong panahon ng taglamig, kung saan winter season at nagyeyelo sa maraming mga bansa, napakataas umano ng bilang ng mga nagpapakamatay.

Matindi ang depression ng tao sa mga panahon ng taglamig. Marami ring mga dahilan kung bakit nagagawa ng taong kitilin ang buhay na tinataglay.

Naririyan ang pagkawala ng mahal sa buhay na mga nangamatay sa sakit o di inaasahang kamatayan, kawalan ng trabaho, pera at kawalan ng pag-asa at hirap sa buhay na dinadanas.

Ngunit nakalulungkot mang isipin na kapag nagpakamatay ang tao, yaon ay permanenteng solusyon na sa mga problemang pansamantala lamang.

Lalo na ngayon na madalas problema sa pera ang dahilan ng maraming kalungkutan ng tao, ibig sabihin, pera rin ang solusyon noon. Maaaring magtagal nga lang, ngunit sigurado namang may solusyon iyon.

Huwag sanang mawawalan ng pag-asa ang ating mga kababayan.
Mula sa reader:

Hello Susan K. Nabasa ko sa colum mo ngayon regrding sa SEAFARER LUBOG SA UTANG. Sa akin po hindi sapat na ibalik ng agency ang P35,000 ni Reggie dahil mag-two years na rin naka sanla ang lupa ng parents nya. Dapat ang agency ang tumubos kasama ang tubo para mabawi ng parents nya ang colateral.

‘Yan ang dpat sa mga agency na walang puso.

Sa mga seafarers mag pray kayo kay Lord, hindi niya kayo pababayaan. God bless you all. — Estella Abanid ([email protected])

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM mula Lunes hanggang Biyernes, alas 10:30 ng umaga hanggang alas 12 ng tnaghali. Maaring tumawag sa aming helpline: 0998.991.BOCW at magtungo sa aming website: bantayocwfoundation.org Maari ring lumiham sa amin sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending