James, Nadine may matinding pasabog sa ending ng OTWOL | Bandera

James, Nadine may matinding pasabog sa ending ng OTWOL

Ervin Santiago - February 03, 2016 - 03:00 AM

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

NGAYON pa lang ay nalulungkot na ang mga fans nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa nalalapit nang pagtatapos ng Primetime Bida series na On The Wings Of Love.

Hanggang ngayong Pebrero na lang ang OTWOL at mukhang wala nang balak ang Dreamscape Entertainment na i-extend pa ito uli.

Ilang eksena pa ang kailangang tapusin nina James at Nadine para sa nasabing serye pero ang balita namin ay kasado na ang magiging ending nito na siguradong aabangan ng mga manonood.

Kuwento ni James, kahit na malapit nang matapos ang kanilang serye, marami pang mangyayari sa buhay nina Clark at Leah na hindi dapat palagpasin ng milyun-milyong OTWOListas. Bukod sa mga nakakakilig na tagpo sa serye, marami pang madadramang eksenang magaganap.

“Before we reach the end, there’s a lot of heartbreak. We’ll take the audience on a roller coaster ride,” chika ng Kapamilya hunk actor.

Sey naman ni Nadine, isang malaking sorpresa ang magiging ending ng On The Wings Of Love at sana raw ay magustuhan ito ng mga manonood. Nagpasalamat din siya sa lahat ng viewers na hindi bumitiw ng pagsuporta sa kanilang serye mula nang magsimula ito hanggang sa pamamaalam nito sa ere ngayong buwan.

Kailangan din daw tutukan ng manonood kung ano ang mangyayari sa karakter ni Paulo Avelino sa nasabing serye.

Bukod dito, busy na rin ang JaDine loveteam sa upcoming concert nila ngayong Feb. 20.

“Well ito po kasing concert namin they have songs na gusto talaga naming iperform so expect na sobrang bigay todo talaga namin dito and we’re giving it our 100 percent. ‘Yun po sobrang dami po, so dapat manood po sila,” pahayag ni Nadine.

Dagdag naman ni James, “It’s our first all out full major concert kaya sana maging memorable sa ating lahat, we will do our best para sobra silang mag-enjoy.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending