Golden State Warriors naungusan ang Philadelphia 76ers | Bandera

Golden State Warriors naungusan ang Philadelphia 76ers

- , February 01, 2016 - 01:00 AM

PHILADELPHIA — Naghulog si Harrison Barnes ng 3-pointer may 0.2 segundo ang nalalabi sa laro para tulungan ang Golden State Warriors na maungusan ang Philadelphia 76ers, 108-105, sa kanilang NBA game kahapon.

Kumana si Klay Thompson ng 32 puntos habang si Stephen Curry ay umiskor ng 23 puntos para sa Warriors, na muntikan nang sayangin ang 24-puntos na kalamangan sa second-half. Si Draymond Green ay nagdagdag ng 10 puntos at 13 rebounds para sa Golden State, na binuksan ang three-game road trip sa pagkubra ng ikaanim na diretsong pagwawagi habang tinapatan din nila ang NBA best start sa 47 laro.

Tinapatan nila ang 1966-67 76ers, na nagwagi sa 43 sa kanilang naunang 47 laro.

Gumawa si Isaiah Canaan ng 18 puntos para pamunuan ang 76ers, na nahulog sa 7-41.

Spurs 117, Cavaliers 103
Sa Cleveland, kumamada si LeBron James ng 29 puntos habang sina Kevin Love at Kyrie Irving ay nag-ambag ng tig-21 puntos para sa Cleveland Cavaliers na tinambakan ang San Antonio Spurs, ang isa sa mga elite teams ng NBA.

Ang Cavs ay nagwagi ng apat na sunod sa ilalim ni coach Tyronn Lue, na pinalitan ang sinibak sa puwesto na si David Blatt. Ang Cleveland ay 0-5 laban sa San Antonio, Golden State at Chicago, ang tatlo sa pinakamahusay na koponan na kalaban nila para sa titulo ngayong season.

Si Kawhi Leonard ay umiskor ng 24 puntos habang LaMarcus Aldridge ay may 15 puntos para sa Spurs.

Pacers 109, Nuggets 105 (OT)
Sa Indianapolis, nagtala si Monta Ellis ng season-high 32 puntos at siyam na rebounds para pamunuan ang Indiana Pacers sa overtime panalo kontra Denver Nuggets.

Sumablay si Ellis sa kanyang 3-pointer para magtapos ang laro na tabla ang iskor sa 99-all sa regulation subalit nakagawa naman siya ng three-point play may 20.4 segundo ang nalalabi sa overtime para selyuhan ang kanilang panalo at ihatid ang Pacers sa ikalawang sunod na panalo.

Pinangunahan ni Danilo Gallinari ang Denver sa ginawang 23 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending