Gusto na uling mag-asawa (2)
Sulat mula kay Tessie ng Caronga, Midsayap, Cotabato
Problema:
1. Magtatatlong taon na akong hiwalay sa aking asawa. Sumama siya sa ibang babae at mula noon hindi niya na kami binalikan pa. Naiwan sa aking pangangalaga ang isang anak namin na babae. Mula noon ay ako na lamang ang mag-isang nagtaguyod sa aming anak. Sa ngayon parang hindi ko na kaya ang mag-isa kaya gusto ko na mag-asawang muli.
2. Ang totoo may boyfriend na ako sa ngayon. Ang nais ko lang pong malaman ay kung compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan? May 7, 1988 po ang birthday ko at December 29, 1984 naman ang birthday ng boyfriend ko. Compatible po ba kami at kami na ba ang magsasama habang buhay kung sakaling pumayag na ako sa kanya na mag-live in kami?
Umaasa,
Tessie ng Midsayap, Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing katugma at ka-compatible mo ang kasalukuyan mong boyfriend na may zodiac sign na Capricorn. Ang Capricorn at Taurus ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong lupa o earth.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay isang “weak number” na suwetong-suweto ding isama sa isa pang weak number na 29 ng boyfriend mo. Ibig sabihin, sadyang tugma at compatible kayo. Maraming nagkatuluyan at naging maligaya na may birth date 7 at 29.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy na ang ligaya sa ikalawang pag-aasawa, mas mainam kung sa inyong pagsasama lagi kayong gagamit ng kulay na berde at pula. Ang nasabing kulay ang magbibigay ng malaking tagumpay at kaligayahan habang patuloy kayong nagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Tessie, ayon sa iyong kapalaran, kung tatlong taon ka nang iniiwan ng mister mo at ang mister mong nang-iwan sa iyo ay may iba na palang pamilya, tama lang na muli kang mag-asawa. Sa ganyang paraan, sa piling ng kasalukuyan mong boyfriend na saktong ka-tugma at kacompatible mo naman, may pangako ng isang maligaya, maunlad at pang habang buhay na ngang pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.