Sulat mula kay Tessie ng Caronga, Midsayap, Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Magta-tatlong taon na akong hiwalay sa aking asawa, sumama siya sa ibang babae ay mula noon hindi nya na kamibinalikan pa. Naiwan sa aking pangangalaga ang isang anak namin na babae. Mula noon ako na lamang ang mag-isang nagtaguyod sa aming anak. Sa ngayon parang hindi ko na kaya ang mag-isa kaya gusto ko na mag-asawang muli. Ang totoo may boyfriend na ako sa ngayon at ang nais ko lang pong malaman ay kung compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan? May 7, 1988 po ang birthday ko at December 29, 1984 naman ang birthday ng boyfriend ko. Compatible po ba kami at kami na ba ang magsasama habang buhay kung sakaling pumayag na ako sa kanya na mag-live in kami?
Umaasa,
Tessie ng Midsayap, Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Matapos mabiyak at masira ang unang Marriage Line (arrow 1.), mabilis namang mapapansin ang pagsulpot ng ikalawang mas mahabat at mas makapal na Marriage Line (arrow 2.) sa iyong palad. Tanda na sa malapit na hinaharap, hindi na nga maiiwasan pa , may isang mas masayang nalalapit na ikalawang pag-aasawang magaganap.
Cartomancy:
Queen of Hearts, King of Clubs at Two of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasasabing sa taon ding ito 2016, tulad na nasabi na, may isang mas masaya at pang habang buhay ng pag-aasawang itatala sa iyong karansan.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.