Basketball great Caloy Loyzaga pumanaw na | Bandera

Basketball great Caloy Loyzaga pumanaw na

Angelito Oredo - January 28, 2016 - 01:00 AM

PUMANAW na ang kinikilalang isa sa pinakamahusay at natatanging manlalaro sa basketball na tinaguriang “The Big Difference” na si Carlos “Caloy” Loyzaga kahapon ng umaga sa edad na 85.

Naiwan ni Loyzaga ang asawang si Vicky at mga anak na sina Teresa, Joey, Chito at Bing.

Si Loyzaga, na isinilang noong Agosto 29, 1930 at may taas lamang na 6-foot-3 ay nakilala bunga ng kanyang husay at dominanteng paglalaro noong 1950s hanggang kaagahan ng 1960s.

Si Loyzaga ay naging two-time Olympian matapos maglaro noong 1952 at 1956 para sa men’s national basketball team.

Tinulungan ni Loyzaga ang Pilipinas na maging isa sa pinakamahusay sa mundo kung saan nagawa ng bansa na magwagi ng apat na sunod na Asian Games gold medal noong 1951, 1954, 1958, 1962 at dalawa sa FIBA Asia Championships noong 1960 at 1963.

Kinukunsidera naman bilang pinakamakasaysayang yugto ng Philippine basketball ang 1954 FIBA World Championship matapos tulungang ihatid ni Loyzaga ang Pilipinas sa tansong medalyang pagtatapos na siyang pinakamahusay na pagtatapos noon ng isang bansa mula sa Asya at naging natatatanging bansa mula sa nasabing kontinente na nakamedalya sa torneo.

Tinapos din ni Loyzaga ang torneo bilang leading scorer sa itinala na 16.4 puntos kada laro at nakasama sa All-Star selection. Naging coach din siya ng Pilipinas noong FIBA Asia Championship noong 1967.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending