Janice, John naayos na ang sustento para sa mga anak
BIGLANG napunta sa hot seat ngayon ang dating beauty titlist na si Priscilla Meirelles-Estrada.
Sa nakaraang presscon ng seryeng Be My Lady ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng real-life lovers na sina Erich Gonzales and Daniel Matsunaga inulan kasi siya ng tanong tungkol sa pagiging misis ni John Estrada.
At the same time, few seats apart lang siya sa co-star niya na si Janice de Belen sa nasabing presscon.
Knows naman natin kung ano ang common denominator nina Janice at Priscilla, ‘di ba?
But still, she managed to answer all the intriguing questions like a real beauty queen kaya aliw na aliw naman sa kanya ang invited entertainment writers sa presscon ng Be My Lady.
Afterwards, nakausap namin si Janice sa isang korner and we found out na okey na pala sila ng ama ng kanyang apat na naggagandahang mga anak.
“Oo, okey naman na kami ni John. Nag-uusap na kami at hindi na gaya ng dati. Siguro, you know, civil lang. Hindi rin naman kami barkada. Kapag may kailangan kaming pag-usapan, nag-uusap kami,” lahad ni Janice.
Paano sila naging okey ni John? “Wala, hindi naman sa napagod. Meron lang kaming kailangang pag-usapan regarding our kids.”
Naiayos na raw nila ang ilang mga isyu lalo na ang tungkol sa sustento sa pag-aaral ng mga anak nila,
“Hindi pa tapos lahat. Nasa college pa ‘yung youngest girl namin, may one year and a half pa siya. Si Yuan (bunsong anak nila ni John), third year high school.”
Kung pumayag siya na makatrabaho si Priscilla sa Be My Lady possible na rin ba na magkasama sila ni John sa isang show sa Kapamilya network?
“Hindi pa rin,” ngiti niya. “I would rather not kasi si Priscilla pa nga lang ang kasama ko wala ng tigil ‘yung usapan. Can you imagine kung magtatrabaho pa kami ni John. So, let’s not complicate things.
Tama na ‘yung kami na lang ni Priscilla ang magkatrabaho.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.