Dasal ni Annabelle: Sana iwan na ni Ruffa ang boyfriend niya!
HANGGANG ngayon ay ipinagdarasal ni Annabelle Rama na sana’y “mauntog ang ulo” ni Ruffa Gutierrez at hiwalayan na ang kanyang Israeli boyfriend.
Sa Kris TV sabay na nag-guest ang mag-ina at napag-usapan nga uli ang lovelife ni Ruffa. Ayon sa dating beauty queen hindi rin daw siya nagsasawang ipagdasal na sana’y matanggap na ni Annabelle si Jordan Mouyal.
“I’ve been praying every day na matauhan siya, iwanan niya yung lalaki. Yun naman ang prayer ko every day,” chika ni Bisaya.
Ang natatawang sagot naman ni Ruffa, “Let’s just see kung sinong prayer ang powerful!”
Hirit pa ni Annabelle, “Ayaw pa niya maghanap ng boyfriend na mayaman. Gusto pa niya siya magpakain sa boyfriend niya.”
Sey naman ni Ruffa, “No, Ma, no! He’s working! He’s an IT engineer.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.