Vitangcol binasahan ng sakdal | Bandera

Vitangcol binasahan ng sakdal

Leifbilly Begas - January 21, 2016 - 05:08 PM

vitangcol
Binasahan ng sakdal sa Sandiganbayan Third Division kahapon si Al Vitangcol, dating general manager ng Metro Rail Transit Line 3.
Walang kasamang abugado si Vitangcol ng humarap sa korte dahil wala pa umano siyang nagaganap na makapagtatanggol sa kanya sa hukuman.
Humingi si Vitangcol ng 30 araw upang makahanap ng abugado pero hindi pumayag si Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang-Tang na ipagpaliban ang arraignment.
Punto ni Tang walang inihaing petisyon ang kampo ni Vitangcol na maaaring makapagpaliban ng arraignment.
Isang abugado ng Public Attorney’s Office ang inatasan ng korte na tumayo para kay Vitangcol na hindi naghain ng plea kaya ang korte ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya.
Ayon kay Vitangcol mayroong mga abugado na ayaw tanggapin ang kanyang kaso dahil masyado itong popular.
Si Vitangcol ay nahaharap sa kasong graft kaugnay ng maanomalya umanong kontrata na pinasok nito para sa maintenance ng MRT 3 ng hindi dumaraan sa public bidding. Ang kontrata ay napunta sa Philippine Trans Rail Management and Services Corp.
Hindi rin umano inilahad ni Vitangcol na isa sa incorporators ng PH Trams— si Arturo Soriano— ay tiyuhin ng kanyang misis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending