Kung binigyan ni Bong ng IPad at bagong silya ni Juday
Raketera ang tawag ni Vic Sotto kay Ryzza Mae Dizon.
After Judy Ann Santos and sidekicks John Lapus, Ryzza Mae and Yassi Pressman and Sen. Bong Revilla and partner Sam Pinto and sidekick Jillian Ward, solo presscon ang ibinigay ng Octo-Arts, Imus Production, M-Zet TV, APT Entertainment and GMA Films for Bossing para sa “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako”.
Si Ryzza Mae ang pinag-usapan mostly as Bossing reminisced noong bata pa si Aiza Seguerra, parang si Ryzza Mae nga raw.
Iba lang si Ryzza Mae dahil mabubuhay daw ang bata dahil maabilidad ito.
Sa isang shooting, while waiting for the food, nakakita ng mga ekskarsyunistang mga beki si Ryzza Mae.
Nagsayaw ito sa harap nila saka nanghingi ng food kaya pagbalik nito sa shooting, may pagkain na.
“Racketeer” nga ang tawag ni Bossing kay Ryzza but in a funny good way. Sa ngayon siya na lang ang walang regalo rito dahil binigyan na ito ng IPad ni Sen. Bong at silyang pang-artista ni Juday.
Ang Christmas wish ni Ryzza Mae, bahay na malapit sa Broadway kaya naggulat-gulatan si Bossing na IPad at silya lang ang regalo ng dalawang co-stars niya, sa kanya bahay na, agad-agad!
Tiyak na magiging hit si Ryzza Mae after the MMFF 2012 dahil lahat bilib sa kabibuhan ng bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.