OTWOL nag-sorry, nangakong hindi na mauulit | Bandera

OTWOL nag-sorry, nangakong hindi na mauulit

Ervin Santiago - January 15, 2016 - 03:00 AM

JAMES REID

JAMES REID

NAG-ISSUE na ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN tungkol sa hinaing ng ilang miyembro ng Philippine National Police na nakapanood ng “bridal shower” episode ng seryeng On The Wings Of Love ng Dreamscape Entertainment.

Hindi kasi nagustuhan ng ilang kapulisan ang pagsusuot ni James Reid ng PNP uniform sa isang eksena sa OTWOL bilang si Clark. Sa nasabing eksena pinosasan ni James ang ka-loveteam niyang si Nadine Lustre na gumaganap bilang si Leah na malapit na ngang ikasal sa kanya.

Dinala ni James sa isang upuan si Nadine at sa harapan nito ay unti-unting hinubad ang kanyang suot na PNP uniform habang sumasayaw na parang male stripper.

Nag-viral sa social media ang isang video kung saan mapapanood ang nasabing eksena na hindi nga ikinatuwa ng mga kapulisan. Hindi raw magandang tingnan na ginagamit ang kanilang uniporme sa mga ganu’ng eksena sa TV man o pelikula dahil nakakababa raw ng moral ng mga pulis.

Agad namang naglabas ng pahayag ang produksiyon ng OTWOL at humingi ng paumanhin sa lahat ng na-offend sa nasabing “bridal shower” scene sa serye.

Narito ang kabuuan ng official statement mula sa production ng isa sa mga nangungunang teleserye ngayon sa ABS-CBN: “On the Wings of Love” would like to apologize for a short scene that aired last Monday (January 11), which unfortunately showed the main character Clark dancing as a policeman for Leah in her bridal shower.

“The program has called the attention of its production team and assures the public that there was no intention to disrespect the sanctity of the Philippine National Police (PNP) uniform. We do not want to jeopardize our good relations with the PNP and will make sure that it will not happen again.”

I’m sure, wala naman talagang masamang intensiyon ang Dreamscape na makasakit o maka-offend ng mga miyembro ng PNP, hindi lang siguro naisip ng produksiyon na may negatibong epekto ang pagpapasuot nila ng uniporme ng pulis kay James. But just the same, ang mahalagam tinanggap ng ABS ang kanilang kamalian at nangakong magiging maingat na sa susunod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending