P40-M korona ni Pia walang ligtas sa BIR | Bandera

P40-M korona ni Pia walang ligtas sa BIR

Ervin Santiago - January 15, 2016 - 03:00 AM

PIA WURTZBACH

PIA WURTZBACH

WALANG ibibigay na tax exemption si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach sa kabila ng pagbibigay nito ng karangalan sa Pilipinas.

Sa ulat ng Bandila, ipinagdiinan diumano ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares na kailangan pa ring ideklara ni Pia ang lahat ng napanalunan nito sa Miss Universe sa pagbabalik niya sa bansa.

Wala pang sinasabi si Pia kung magkano talaga ang napanalunan niya bilang 2015 Miss Universe. Sa ilang panayam kay Pia, sinabi nitong ang korona pa lang na ipinutong sa kanya ay nagkakahalaga na ng P40 million.

Nakatakdang bumalik si Pia sa Pilipinas bago matapos ang buwan. Isang bonggang homecoming ang nag-aabang sa kanya pagbaba pa lang niya sa airport. Nakatakda na rin ang courtesy call niya sa Malacañang. Sa pagkakaalam namin, paparada si Pia sa Maynila, Makati at Quezon City. Bibigyang-parangal din siya sa Kongreso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending