Buti na lang ‘nagpaawa’ si Erap sa 2 anak
Masaya at natutuwa kami sa ginanap na pa-Christmas party ni Senatorial candidate JV Ejercito Estrada para sa entertainment press kamakailan dahil isa kami sa pinalad na magwagi sa parapol, bagay na ilang taon na naming hindi naranasan! He-hehehe!
Samantala, sa nasabing party ay tinanong ang kongresista ng San Juan tungkol sa relasyon nila ngayon ng half brother niyang si Sen. Jinggoy Estrada, maayos na raw sila ng senador, pinagbati na sila ng tatay nilang si dating Pangulong Joseph Estrada.
“Ang maganda doon, nagkahingahan kami, medyo matagal na rin kasing nagkaroon ng hidwaan na I think, ang nagpalaki lang naman ay ‘yung mga taong nagsusulsol, na nagiging dahilan ng pikunan.
“Pero siguro, mahal namin pareho ang aming ama, and I think, ‘yung appeal niya, parehong tumama sa amin,” pagkukuwento ni JV.Ayon pa raw kay Presidente Erap baka raw ang iringan nina JV at Jinggoy ang ikamatay nito since 75 years old na siya, “Sabi niya, ‘Alam n’yo, 75 na ako, lolo n’yo, namatay ng 78, ‘yung tito Tony n’yo, namatay ng 77, ‘yung isa (na kapatid ni Erap), 79.
Sandali na lang ‘yun, ah.
Baka gusto n’yong di ko na abutin?!’
“Sabi pa niya, isa raw sa mga frustrations niya in life, hindi bale na raw ‘yung sa political frustrations.
Mas affected daw siya sa pag-aaway naming magkapatid,” kuwento pa ni JV.
“Although it may take time for us to become really good friends again, dahan-dahan siguro, pero it will eventually happen,” ayon pa kay JV.
At kapag pinalad daw na manalo si JV sa Senado ay tiyak na mas magkakasundo silang lalo ng kuya Jinggoy niya, “Definitely, siyempre naman.
Pangit naman yung papasok ako doon na hindi kami magkasundo, na meron kaming hidwaan.
“Mas maganda naman and I think we will be a powerful clan pag nagkasama at nagkaisa kami.
We will be a strong force,” pananaw ni JV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.