Regine: Hindi kami kumikita pag eleksiyon! | Bandera

Regine: Hindi kami kumikita pag eleksiyon!

Ervin Santiago - January 06, 2016 - 02:00 AM

regine velasquez

Walang ieendorsong presidential candidate ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa darating na May elections. Sa contract signing ni Regine last Monday sa GMA 7, sinabi nitong wala siyang balak sumama sa kampanya ng kahit na sinong kandidato kahit na hindi naman daw ito ipinagbabawal ng mga bossing nila sa Siyete.

“I’ve only endorsed one (politician) actually (Pangulong Noynoy Aquino). Even in my younger years, I never, if you notice, wala talaga akong inendorso kasi it’s hard, e. “It’s hard to endorse one politician tapos yung next, saan na naman.

Ayoko yung feeling na…I usually endorse people that I know or our friend. And I don’t get paid for it.
“Hindi ako kumikita sa eleksiyon, hindi ako naniniwala, e. Kaming mag-asawa, although napakalaking raket…sa totoo lang, napakalaking raket, kaya lang we don’t believe in it.

“I don’t know, it’s been my…tatay ko kasi ‘yan, e. My father (Mang Gerry/RIP), kahit noong mahirap pa kami, hindi ‘yan tumatanggap ng bayad kapag may politician na nag-aano sa akin na kumanta ako du’n para i-endorse ko ‘tong politician na ito.

“I would only sing sa politician na kilala niya at kaibigan niya, at he believes in that person. So, parang nakuha ko yun. So, ever since then, hindi na talaga ako nag-endorse,” mahabang paliwanag ng Songbird na nakatakda nang mag-taping para sa bago niyang teleserye sa GMA bilang bahagi ng pinirmahan niyang 2-year exclusive contract sa Kapuso network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending