Mark Neumann bibida sa 6 na pelikula ng Viva Films | Bandera

Mark Neumann bibida sa 6 na pelikula ng Viva Films

Cristy Fermin |January 05,2016
facebook
share this

Mark Neumann bibida sa 6 na pelikula ng Viva Films

Cristy Fermin - January 05, 2016 - 02:00 AM

mark neumann

Abala na naman nga-yon si Mark Neumann, ang young actor ng TV5 na nag-iwan ng magandang marka nu’ng nakaraang taon dahil sa Baker King, simula na ng kanyang taping para sa Tasya Fantasia.

Hindi sanay ang young actor nang wala siyang ginagawa, hinahanap-hanap na ng kanyang katawan ang pagtatrabaho araw-araw, kaya nang malaman niyang siya ang bibida sa nobela ni Direk Carlo J. Caparas ay tuwang-tuwa ang tisoy na binata.

Malaki ang nagawa ng Baker King kay Mark, hanggang ngayon ay pinasasalamatan niya ang team ng TV5 na namahala sa Korean serye, lalo na si Direk Mac Alejandre na talagang pumanday sa kanyang pag-arte.

Iba naman ngayon ang Tasya Fantasia, isa sa mga programang magkatuwang na pinamamahalaan ng TV5 at Viva Entertainment, ito ang ginawang pelikula nu’n ni Kris Aquino at ikalawang version na ang pagbibidahan ngayon ni Mark.

“Sobrang salamat sa TV5 at sa Viva dahil ako ang napili nila for Tasya Fantasia. May pagka-comedy naman ito, pero maganda ang kuwento ng love story. Touching.

“Masuwerte rin ako dahil six movies ang gagawin ko sa Viva, sobrang salamat, dahil bago pa lang akong artista, malaki na ang trust sa akin ng production,” matatas nang managalog ang guwapong aktor na lumaki sa Germany.

Lalong gumanda ang katawan ngayon ni Mark Neumann, nu’ng magpahinga siya pagkatapos ng Baker King ay sa gym at sa bahay lang siya matatagpuan, wala siyang hilig lumabas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending