Palasyo todo depensa kay PNoy matapos mangakong magpapasagasa
TODO depensa kahapon ang Palasyo sa naging biro ni Pangulong Aquino noong 2013 na magpapasagasa siya at si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya sakaling mabigong matapos ang LRT extension bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2016.
Sa kanyang briefing, iginiit ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na seryoso naman si Aquino na makapagbigay ng isang mahusay na mass transport system.
“Unawain lang ng ating mga kababayan na hindi ganoon kadali ‘yung pagbubuo ng ganyang proyekto ngunit dahil desidido ang pamahalaan ay buo naman ‘yung determinasyon na maipatupad ito at makumpleto ito,” sabi ni Coloma.
Ito’y matapos namang singilin si Aquino sa kanyang naipangawa na extension ng LRT 1 matapos naman ang kanyang pagbisita sa Cavite noong 2013.
“Unawain natin ‘yung konteksto ng sinabi ng Pangulo. Ito ay pagpupulong sa lalawigan ng Cavite at batid naman natin ‘yung Cavite ang may pinakamaraming—pinakamalaking populasyon,” giit ni Coloma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.