Grace Poe pinai-inhibit ang 3 SC justices
HINILING ni Sen. Grace Poe na mag-inhibit ang tatlong Associate Justice ng Korte Suprema na naunang bumoto para siya madiskuwalipika bilang senador.
Kabilang sa pinapa-inhibit ni Poe ay sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justice Teresita Leonardo de Castro at Associate Justice Arturo Brion.
Pawang mga miyembro ang tatlong justice ng Senate Electoral Tribunal (SET) na bumabor sa petisyon ni Rizalito David para siya madiskwalipika bilang senador kaugnay ng isyu ng kanyang citizenship.
Sinabi ng abogado ni Poe na si Atty. George Garcia na dapat na mag-inhibit ang tatlong justice dahil may posisyon na ang mga ito.
Nauna nang naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema matapos namang ikansela ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang certificate of candidacy (COC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.