LJM, ‘mandirigma’ | Bandera

LJM, ‘mandirigma’

Arlyn Dela Cruz - December 29, 2015 - 03:00 AM

MATAPOS magkamalay mula sa isang surgery nitong Disyembre 9, isa sa mga ginawa ko ay ipaalam sa ilang piling tao, mga kaanak, kaibigan at mga kasama sa industriya ng pamamahayag ang nangyari sa akin. Una sa sinabihan ko ay ang mga boss sa Inquirer.

Gusto kong sabihan si LJM, kung tawagin namin si Ma’am Letty Jimenez-Magsanoc, tungkol sa nangyari sa akin.
Sabihin na nating nakagawian ko na ang sabihan siya simula nang magtagpo ang aming landas at maging malapit ako sa kanya.
Lahat nang sa tingin ko ay mahahalagang pangyayari sa aking buhay, mapa-personal man iyon o trabaho, maging ang pagpasok ko sa pelikula ay iki-nukuwento ko sa kanya.

She will always find time for long answers via text messages or even call you for a long chat if she’s really interested in what you told her.

Pero noong araw na iyon, Disyembre 10, matapos malagay ang buhay ko sa panganib dahil sa operasyon, nagpasya akong huwag nang i-text si LJM dahil ayaw ko siyang mag-alala pa.
LJM, when she’s worried for you, she’s really worried for you, so I decided against telling her what happened to me.

Noong huli kasi ka-ming nag-usap, noong Meet Inquirer Multi-Platform Forum na kung saan si dating Interior Secretary Mar Roxas ang panauhin namin ay alam kong naroon ang kasiyahan na may kasamang pangamba sa aking kalagayan. I assured her then, I am OK and so are my daughters,

Sa isang sulok sa isang kuwarto kami nag-usap habang siya ay inaayusan ng buhok ni Tito Bobby Balisi, ang make-up artist ko sa paggawa ng pelikula, na ipinakilala ko at nagustuhan ng mga kasama sa Inquirer.
Sabi pa ni LJM, “Now I know, bakit lagi kang maganda, may nagbabantay na ng looks mo, dati di ka nagsusuklay ng buhok tulad ko,” At nagtawanan kami.

Tinanong niya ako sa isang bagay na sensitibo ang paksa at tiniyak niya sa aking nauunawaan niya kung bakit pinili ko at hiniling kong huwag magsulat tungkol sa bagay o paksang iyon.
Biro pa nga ni LJM: “I understand, world peace!” At muli kaming nagtawanan at sabi ko, “TOMOH!”

Pero dumating kami sa isang seryosong punto. Sabi niya sa akin, “I am happy that you made a bold and brave decision. God bless you and your girls”. At saglit kaming nagyakapan.
Sa mga pagkakataong ganun, dun nahihiwalay ang pagiging boss n’ya sa pagiging kaibigan; isang magulang, isang ina. Hindi siya boss lang, alam niya ang nangyayari sa personal na buhay ng kanyang mga nasasakupan dahil sa taal na malasakit.

Bago kami naghiwalay sa silid na iyon, bago ang simula ng forum, sabi niya, “But Arlyn you still owe me an exclusive on that other material you told me”.
Ganun siya, ganun si LJM, ilang araw o ilang linggo mong di makikita, minsan buwan pa nga, pero kapag may istorya kang alam niyang sinasakiksik mo at bi-nubuo mo, hindi niya malilimutan.

Ang sagot ko, “Opo ma’am!”

Ako ay naging bahagi ng Philippine Daily Inquirer dahil kay LJM. Siya ang nagtiwala sa akin at naniwala sa a-king kakayanan bilang mamahayag na mula sa broadcast, ipinasok ang isang paa sa print media.
Ang usual transition, print to broadcast, ngunit malimit ang kaso ng mula sa broadcast sa print o sa kaso ko. kasabay ang broadcast sa print.
Si LJM ang nagbigay sa akin ng titulong Correspondent at Large. Pangkalawakan sa madaling salita, kung may scoop, kung may exclusive, kahit saan.

Siya din ang nagtatakda kung magkano ang professional fee sa bawat istoryang iaambag ko kalimitan sa front page kung hindi man banner story ng Inquirer.
Inipon ko iyon at saka isa-isang kukunin sa cashier at kadalasan ay tugon sa mga dapat gugulan ng salapi, gaya na lang nang minsan natapat sa panahon ng enrollment, solved ang problema ko!
Pag nakukuha ko na check, ite-text ko si LJM at siya naman ang magpapasalamat sa akin, sa tiwala daw at sa pagpili sa Inquirer para isulat ang scoop o exclusive na istorya. Siya ang nagpapasalamat gayong sa ti-ngin ko, ako lang ang dapat magpasalamat. Pero sabi ko nga, ganun si LJM.

Hindi ko malilimutan si LJM, at napakarami naming inaalagaan at kinalinga niya sa industriya ng pamamahayag. Mahaba ang listahan ng nakadama at nakaranas ng pangunguna, pag-gabay, pagmamahal at malasakit ng isang Letty Jimenez-Magsanoc sa ilang salin na rin ng mga mamamahayag.

Alam kong iisa ang aming pangako ngayong wala na ang itinuturing naming moog ng katapangan sa pamamahayag at iyan ay walang iba kundi ipagpatuloy ang walang takot na pagsisiwalat ng katotohanan sa pamamagitan ng aming mga panulat at pagsasahimpapawid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang tunay na mandirigma ng katotohanan ang pumanaw. Marami siyang hinasang mga mandirigmang naiwan, bawat isa ay magpapatuloy. Yan ang a-ming pangako.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending