Makapag-aasawa pa ba? (2) | Bandera

Makapag-aasawa pa ba? (2)

Joseph Greenfield - December 29, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Loran ng La Paz, Naga, Zamboanga Sibugay Province
Problema:
1. Mula ng nakatapos ng college ay madalang na ang nanliligaw sa akin. Isang beses lang ako nagka-boyfriend at ito ay noong first year college pa ako, pero hindi seryoso at hindi na rin nasundan ng iba pang mga manliligaw. Sa ngayon ay umabot na ako sa edad na 36 at natatakot akong tumandang dalaga at hindi na ako makapag-asawa pa.
2. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa? Kung makapag-aasawa, kailan kaya ito magaganap at sino kaya ang lalaking mapapangasawa ko at makakasama habang buhay? April 1, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Lorna ng Naga, Zamboanga Sibugay, Province
Solusyon/Analysis:
Numerology:
Ang birth date mong 1 ay nagsasabing medyo late in life ka na nga makapag-aasawa, pero hindi naman late na late, sa halip, humigit kumulang sa edad 37 hanggang 38, tiyak namang makapag-asawa ka, bibiyayaan ka pa rin ng dalawang malulusog at matatalinong mga anak, na magiging daan upang ang pagsasama ng inyong pa-milya ay lalo pang lumigaya.
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Leo ang iyong mapapangasawa, medyo kayumangi ang balat niya, maskulado at mas bata sa iyo ng dalawa hanggang taon. Ganon paman, dahil compatible ang Aries at Leo inaasahan pa ring magiging maligaya ang bubuuin ninyong relasyon at ito ay magiging pang habang buhay na.

Color Test:

Upang lalo pa kayong suwertehin sa panahong kayo ay nagsasama na ng lalaking mapapangasawa, lagi kayong gumamit ng kulay na dilaw at pula. Sa nasabing kulay, tuloy-tuloy ang su-werte at ligaya.

Huling payo at paalala:
Lorna tunay ngang kahit medyo late ka na namakapag-asawa, ayon sa iyon kapalaran ang nasabing pag-asawa ay nakatakda pa ring maging maligaya at ang pag-aasawang ito ay inaasahang magaganap ng maganap sa taong 2017 sa buwan ng Marso o kaya’y Abril, sa edad mong 38 pataas, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na J.Y.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending