Mga supporters ni Poe binanatan si Escudero; tinawag na ‘Ahas-cudero’
BINATIKOS ng isang civil society group na sumusuporta sa kandidatura ni Sen. Grace Poe ang kanyang running mate na si Sen. Francis “Chiz” Escudero kung saan tinawag siyang ‘ahas-cudero.’
Nagprotesta ang mga miyembro
Philippine Crusader for Justice (PCJ) kung saan may mga bitbit silang mga placard na tinawag si Escudero na “Ahas-cudero,” “Boy Laglag at “Boy Abandon.”
Nagpahayag ng pagkadismaya si PCJ secretary general Joe Villanueva kay Escudero, sa pagsasabing hinimok niyang tumakbo si Poe sa kabila na alam niyang sasampahan siya ng mga kasong disqualification.
Sinabi ni Villanueva na importante lamang kay Escudero kung saan siya makikinabang.
Idinagdag ni Villanueva na hindi kataka-taka na iabandona rin ni Escudero si Poe, katulad ng kanyang ginawa sa Aquino-Roxas tandem noong 2010 kung saan si Vice President Jejomar Binay ang kanyang sinuportahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.