Barilan sa munisipyo; 2 pulis patay | Bandera

Barilan sa munisipyo; 2 pulis patay

John Roson - December 28, 2015 - 06:07 PM

bohol
Dalawang pulis ang patay nang magkabarilan ang mga alagad ng batas sa compound ng municipal hall ng Sikatuna, Bohol, kaninang umaga, ayon sa pulisya.

Nasawi si SPO2 Fidel Malig-on, acting chief investigator ng Sikatuna Police, at si PO2 Marlon Balbiran, miyembro ng Bohol Tourist Police na nakatalaga sa Tarsier Sanctuary sa Corella.

Naganap ang barilan sa compound ng Sikatuna Municipal Hall dakong alas-9, sabi ni Supt. Renato Dugan, tagapagsalita ng Central Visayas regional police.

Sadyang nagtungo doon si Balbiran para hanapin si Malig-on, at nang malamang nasa kusina ang huli’y puwersahang binuksan ang pinto, ani Dugan.

Nang makita si Malig-on ay tinanong ito ni Balbiran kung bakit ipinapahiya ang kanyang pamilya at ipinutok sa una ang kanyang service pistol, anang regional police spokesman.

Nataon namang nagtungo rin sa kusina si PO3 Al-Noel Felicia at pinaputukan din ni Balbiran, kaya gumanti ng putok at natamaan ang huli sa ulo, sabi ni PO3 John Argie Plaza, imbestigador ng Sikatuna Police.

Ang naturang kusina ay pag-aari ng munisipyo, pero malapit sa Sikatuna Police Station kaya mas madalas magamit ng mga alagad ng batas, aniya.

Isinugod sina Malig-on at Balbiran sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital ng Tagbilaran City, ngunit di na umabot nang buhay ang huli habang ang una’y binawian ng buhay alas-4:30 ng hapon dahil sa tama ng bala sa tiyan, ani Plaza.

Lumalabas na personal na galit ang motibo ni Balbiran sa pagbaril kay Malig-on dahil sa mga salitang binitawan nito bago barilin ang acting chief investigator, aniya.

Dinala na si Felicia sa headquarters ng Bohol provincial police sa Camp Dagohoy, Tagbilaran, para sa karagdagang imbestigasyon, ani Plaza.

– end –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending