Kamara nais imbestigahan ang pagkaka-disqualify ng Honor Thy Father
Paiimbestigahan ng isang solon ang diskuwalipikasyon ng pelikulang Honor Thy Father sa best picture category ng Metro Manila Film Festival.
Sinabi ni Laguna Rep. Dan Fernandez na dapat maging malinaw ang pamantayan ng MMFF sa pagdiskuwalipika ng pelikula sa simula pa lamang.
Ang Honor Thy Father ay hindi kasali sa MMFF lineup ng official entry batay sa ipinalabas na listahan ng MMFF Executive Committee noong Hunyo 2015.
Noong Oktobre 23, inalok ng MMFF Executive Committee si Ronald Stephen Monteverde, producer ng Honor Thy Father, na ipasok sa entry ang pelikula matapos na mayroong umatras.
Ipinalabas ang Honor Thy Father sa Cinema One Originals Film Festival 2015 noong Nobyembre. Ang imbitasyon na maipalabas ito ay ginawa bago pa kinuha ng MMFF ang pelikula.
Hindi umano inilihim ni Monteverde sa MMFF Executive Committee ang pangyayari.
“WHEREAS, Mr. Monteverde complied with the MMFF Executive Committee request to submit a sworn statement by Cinema One head, Mr. Ronald Arguelles, attesting to the fact that the screening did not generate revenues and was a By Invitation event only.”
Pero noong Disyembre 26 ay nakatanggap ng sulat si Monteverde kung saan sinabi ng MMFF na hindi kasali ang kanyang pelikula sa kategoryang Best Picture Category.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.