SWS survey: Binay, Poe tie sa presidential survey
KAPWA nanguna sina Vice President Jejomar Binay at Senator Grace Poe sa pinakahuling resulta ng SWS survey.
Parehong nakakuha ng 26 porsyento ang dalawa mula sa 1,200 respondents na tinanong ng SWS mula Disyembre 12 hanggang 14.
Nasa ikatlong pwesto naman ang pambato ng administrasyon na si Manuel “Mar” Roxas II, na nakakuha ng 22 porsyento, habang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nasa ikaapat na may 20 porsyento. Nakakuha naman si Senador Miriam Defensor Santiago ng apat na porsyento.
Unang lumabas ang balita sa Business World.
Ito ang kauna-unahang survey na inilabas ng SWS matapos ang filing ng Certificate of Candidacy ng mga kandidato.
Noong Setyembre, nanguna si Poe sa listahan na may 26 porysento, na sinundan naman ni Binay na nakakuha ng 24 porsyento. Si Roxas ay nasa ikatlo na may 20 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.