PNoy pormal nang pinirmahan ang P3.002T budget para sa 2016 | Bandera

PNoy pormal nang pinirmahan ang P3.002T budget para sa 2016

Bella Cariaso - December 22, 2015 - 05:11 PM

pnoy1
IPINAGMALAKI ni Pangulong Aquino na sa nakalipas na anim na taon, hindi sumablay ang kanyang administrasyon sa pagpasa ng budget matapos namang pormal na pirmahan ang P3.002 trilyong General Appropriations Act para sa 2016.

“Ito po ang ikaanim na sunod na taon na naipasa ang Budget ng Bayan sa tamang oras. Ibig pong sabihin, mula nang maupo tayo hanggang sa huling yugto ng ating termino, hindi tayo sumablay sa pagpapasa ng ating budget on-time,” sabi ni Aquino sa kanyang mensahe matapos lagdaan ang budget para sa 2016.

Hindi naman napigilan si Aquino na muling nagpasaring sa administrasyon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“Sa ilalim ng ating sinundan, laging reenacted ang bahagi o kabuuan ng Pambansang Budget. Noong 2007, halimbawa, halos Abril na ito naaprubahan,” sabi ni Aquino.

Ayon kay Aquino, natigil na ang pagsasamantala at pagwawaldas sa kaban ng bayan sa ilalim ng kanyang liderato.

“Di po ba makatwiran na dahil na-reenact ang budget, tanggalin na rin sa budget ang pondo para sa mga buwan na nakalipas at nagastusan na? Pero ang masahol: Ang items na nagastusan na, gaya ng pasahod, Maintenance and other Operating Expenses, at iba pa sa nakalipas na tatlong buwan, ay nasa budget pa rin,” banat pa ni Aquino.

Kasabay nito, sinabi ni Aquino na sa ilalim ng 2016 na budget, ang Department of Education (DepEd) pa rin ang nakakuha ng pinakamalaking pondo kung saan aabot sa P436.5 bilyon ang inalaan.

“Bahagi nito ang pagpapatayo ng 47,553 classrooms, pagbili ng 103.2 million bagong textbooks, at pag-hire ng 79,691 positions para sa teaching and non-teaching personnel,” ayon pa kay Aquino.

Idinagdag ni Aquino na naglaan naman ng P62.7 bilyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

“Ang target nitong bigyang-ayuda sa susunod na taon: 4.6 million na kabahayang benepisyaryo, kabilang na ang mahigit 218,000 na pamilyang Pilipino na hindi naisama sa Listahanan 1 noong 2008-2009. Kasama nga po rito ang mahihirap na indigenous peoples at mga pamilya sa lansangan,” sabi pa ni Aquino.

Idinagdag ni Aquino na ayon sa pag-aaral ng Department of Social Welfare and Development (5415) umabot sa P1.5 milyon na kabahayan o katumbas ng 7.5 milyon na Pilipino
ang naiangat na lampas sa poverty line dahil sa Pantawid Pamilya.

Sinabi ni Aquino na naglaan naman ang gobyerno ng P400.4 bilyon para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at P38.9 bilyon para sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) Fund.

“Bahagi po nito ay ipagkakaloob sa ating programang pangrehabilitasyon, kabilang na ang Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan,” paliwanag pa ni Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala nga ho sigurong makakapagsabi, habang nakapatong ang kamay sa Bibliya, na pinabayaan natin ang kanilang siyudad o probinsiya,” giit ni Aquino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending