Pia Wurtzbach malakas ang laban sa Miss Universe; pinuri ng mga ex-beauty queen
KUNG magtutuluy-tuloy ang ma-gandang nasimulan ni Pia Wurtzbach sa ginaganap na pre-pageant ng 64th Miss Universe siguradong malaki ang chance ng Pilipinas na maiuwi ang titulo sa coronation night sa Lunes, Dec. 21.
Bukod sa pagiging crowd favorite during the preliminary round ng contest na ginanap sa The AXIS, Las Vegas, Nevada, puro positibo rin ang natatanggap na komento ni Pia mula sa mga netizens at sa mga former Pinay beauty queens.
Sa kanyang Twitter account ibinigay ni Miss Universe 2010 Ximena Navarette ng Mexico ang kanyang top 12 para sa 64th Miss Universe at unang-una nga sa kanyang listahan si Miss Philippines.
Bet niya ring magwagi ang nga kandidata mula sa Mexico, Colombia, Dominican Republic, Vietnam, Peru, Chile, Brazil, USA, Venezuela at Australia. Alam nating lahat na sa pre-pageant competition ng Miss Universe kukunin ang Top 15 candidates na maglalaban-laban para sa grand coronation night kaya naman kail-angang dito pa lang ay maging matunog na ang pangalan ni Pia para makapasok siya sa finals night sa Monday.
Todo puri rin ang mga former Pinay beauty queen kay Pia sa pamamagitan ng social media. Nauna nang nagbigay ng inspiring message para sa ating kandidata na sina Janine Tugonon, 2012 Miss Universe 1st runner-up; Ariella Arida, Miss Universe 2013 3rd runner-up; at MJ Lastimosa, na nakapasok sa Top 15 noong 2014 Miss Universe.
Sey ni Janine, “very regal” at “classic” ang pagrampa ni Pia sa ginanap na preliminary competition. Nagpasalamat naman ang dating Kapamilya actress kay Janine at tinawag pa niya itong “idol”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.