Magkaka-boyfriend na ba sa 2016?
Sulat mula kay Karen ng Dr. Meciano Road, Dumaguete City, Negros Oriental
Dear Sir Greenfield,
Umabot ako ng edad 33 ng hindi pa rin nagkaka-boyfriend hanggang ngayon. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend? Sa darating kayang taong 2016 gaganda na kaya ang love life ko or magkaka-boyfriend na po ba ako? Sa totoo lang natatakot akong tumandang dalaga habang buhay, kaya medyo na a-alarma na ako sa ngayon. March 16, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng Negros Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang Karen kitang-kita at kapansin-pansin ang kaisa-isa at magandang Marriage Line sa iyong palad (Illustration 1. arrow 1.). Ibig sabihin, hindi ka dapat kabahan na baka tumandang dalaga ka, dahil tulad ng nasabi na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, tiyak ang magaganap – magkaka-boyfriend ka, makapag-aasawa hanggang sa tuluyang magkakaroon ng isang simple at masayang pamilya.
Cartomancy:
Six of Hearts, King of Clubs at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2016, tama ang iyong pakiramdam, susuwertehin ka na sa pag-ibig, u-pang pagsapit ng taong 2017 sa edad mong 34 pataas, kung sino ang lalaking magiging boyfriend mo sa nasabing taong 2016, siya na rin ang mapapangasawsa mo kung saan, ang nasabing lalaki ay halos kasing edad mo rin na makikilala mo sa iyong trabaho.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.