Patong-patong na kaso vs mayor, treasurer ng Sumisip, Basilan
Kakasuhan ng Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Sumisip, Basilan, kaugnay ng pagkabigong i-remit ang kontribusyon ng mga empleyado sa Government Service Insurance System, Home Development Mutual Fund, at buwis na kinaltas sa mga suweldo nito.
Dalawampung kaso ng paglabag sa GSIS Act, 19 na kaso ng paglabag sa Home Development Mutual Fund Law at 23 kaso ng paglabag sa National Internal Revenue Code ang isasampa laban kay Sumisip Mayor Haber Amin Asarul at Treasurer Camlian Borjal sa Sandiganbayan.
Ayon sa Ombudsman nabigo ang mga akusado na ibigay ang kinaltas na kontribusyon sa GSIS mula Oktobre 2007 hanggang Mayo 2008. Hindi naman nai-remit sa oras ang kontribusyon sa GSIS mula Hunyo 2008 hanggang Mayo 2009. Tuwing ika-10 araw ng buwan dapat ang pagpapadala ng kontribusyon.
Delayed naman ang pagpapadala ng kontribusyon sa Pagibig mula Oktobre 2007 hanggang Enero 2009 at Marso 2009 hanggang Mayo 2009.
Wala rin sa oras ang pagpapadala ng buwis na kinaltas sa mga empleyado mula Hunyo 2007 hanggang Mayo 2009.
Ipinag-utos din ng Ombudsman sa Commission on Audit-ARMM na magsagawa ng special audit sa cash accounts ng Sumisip mula Hulyo 2007 hanggang Hulyo 2009.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.