Poe dismayado matapos hindi isama ng Ombudsman si Abaya sa kasong graft | Bandera

Poe dismayado matapos hindi isama ng Ombudsman si Abaya sa kasong graft

- December 06, 2015 - 04:24 PM

grace poe
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Sen. Grace Poe matapos hindi isinama ng Office of the Ombudsman si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at iba pang matataas na opisyal ng Department of Transportation ang Communications (DOTC) sa mga kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y maanomalyang maintenance contract sa Metro Rail Transit 3 (MRT 3).

Iginiit ni Poe na dapat ding managot si Abaya sa kuwestiyonableng kontrata.

“Since Secretary Abaya signed and approved the contract, I am a little bit surprised that he doesn’t have liabilities whatsoever,” sabi ni Poe.

Ikinatuwa naman ni Poe ang pagsasampa ng kasong graft laban kay dating MRT 3 general manager Al Vitangcol III at limang iba pang opisyal kaugnay ng maanomalyang maintenance contract na nagkakahalaga ng $1.5 milyon kada buwan.

“I thank the Ombudsman for siding with the 600,000 daily commuters of the MRT who continue to suffer and endure bad service. We will monitor the progress of the case until justice is served,” dagdag ni Poe.

Kinasuhan ng Ombudsman si Vitangcol matapos ibigay ang maintenance contract ng MRT 3 sa Philippine Trans Rail Management and Services Corp. (PH Trams) sa kabila ng hindi ito sumailalim sa public bidding.

Napag-alaman na isa sa mga incorporators ng PH Trams ay si Arturo Soriano, na tiyuhin ng asawa ni Vitangcol.

Bukod kay Vitangcol at Soriano, kinasuhan din ng Ombudsman sina Wilson de Vera, Marlo dela Cruz, Manolo Maralit, at Federico Remo, na pawang incorporator ng PH Trams.

Noong Biyernes naglagak ng P90,000 na piyansa si Vitangcol para sa tatlong counts ng graft sa Sandiganbayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending